Sa Isang Sentro ng Pagboto

Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang para sa pagboto sa isang Sentro ng Pagboto:

  1. Kumpletuhin ang isang Form ng Paghiling ng Balota. Maaari ninyong piliin na bumoto sa isang Tablet na Pagmarka ng Balota o isang papel na balota.
  2. Magparehistro sa Kinatawan ng Sentro ng Pagboto.
  3. Hintayin na mag-isyu ang Kinatawan ng Sentro ng Pagboto ng paraan ng pagboto na pinili ninyo.
  4. Markahan ang inyong Balota.
  5. Pumunta sa Kahong Hulugan ng Balota at ihulog ang inyong balota sa Kahong Hulugan ng Balota.
  6. Kapag tapos na kayong bumoto, ang Kinatawan ng Sentro ng Pagboto ay magbibigay sa inyo ng sticker na "I Voted" - Isuot ito nang may Pagmamalaki!

Mag-click dito upang mahanap ang pinakamalapit na Sentro ng Pagboto at ang mga oras ng pagpapatakbo ng Sentro ng Pagboto.

Paano Bumoto sa isang Tablet ng Pangmarka ng Balota

voting instructions step1

Upang i-activate ang inyong balota, ipasok ang ACTIVATION CARD nang nasa itaas ang panig na may arrow, sa card reader sa ibaba ng Tablet ng Pangmarka ng Balota. Walang impormasyon ng botante o mga pinagpilian sa balota ang maiimbak sa activation card o sa mismong tablet.

filipino voting instructions step 2

Palitan ang wika, laki ng teksto, o contrast ng screen nang ayon sa inyong kagustuhan.

voting instructions step3

Gawin ang inyong mga pagpili sa pamamagitan ng pagpindot sa kahon sa tabi ng pipiliin ninyo. Upang gumawa ng pagbabago, i-uncheck ang kahon at pindutin ang kahon sa tabi ng bagong pipiliin ninyo. Pindutin ang “Susunod” upang lumipat sa susunod na paligsahan/tanong.

filipino voting instructions step 4

Kung mayroong mga karagdagang kandidato, maaari kayong mag-scroll sa listahan sa pamamagitan ng pagpindot sa “Mag-scroll Pataas” o “Mag-scroll Pababa.”

filipino voting instruction step 5

Upang bumoto para sa isang Isinusulat Lamang na Kandidato, pindutin ang kahon sa tabi ng “Isinusulat Lamang.” Mayroong lalabas na screen ng keyboard upang mailagay ninyo ang pangalan ng kandidato. Pindutin ang “Tanggapin” kapag tapos na.

filipino voting instructions step 6

Kapag nasuri na ninyo ang inyong mga pinili, pindutin ang “I-print ang Balota” at mapi-print ang inyong balota.

filipino voting instructions step 7

Ilagay ang inyong balota sa Secrecy Folder at magpatuloy sa Kahon ng Balota. Ihulog ang inyong balota sa Kahon ng Balota. Ibalik ang activation card at Secrecy Folder sa isang Kinatawan ng Sentro ng Pagboto.


HINDI maitatala ang inyong balota hangga’t hindi ninyo inilalagay ang inyong naka-print na balota sa Kahon ng Balota.